i belong
Posted by whalalang6 on 13th October 2009
“ala ako lang. nadali. aq lang nawalan, aq lang napilayan. pagkakuha sa bag ko takbo na. naisip ko naks kabilang na ko sa statistics. I belong”
oct 8. same routine past 4:30 am kami umalis sa bahay namin kasabay ang papa ko. sa dating daanan. laging una ako sa tatay ko dahil nagyosi sya at ayaw ko ng amoy nito.
may bumaba 2 binata sa bahay malapit samin. few steps lang sa
bahay namin. may ilaw naman dun sa daanan.
pero bumalik yung 2 saka sabi sa tatay ko na”pre wag kang
papalag holdup to”. may patalim sila pagkalingon ko nakita ko
na nakaamba sa tatay ko di ko alam kung icepick or kutsilyo.
basta mahaba at silver ang kulay. simigaw na ko nun saka takbo
papunta sakin yung isa tumakbo rin naman ako pero paharap sa kanila
para malamam ko. paglapit sa kin nakita ko sasaksakin ako kaso
sakto pagatras ko natumba ako. napahiga ako nauntog. di ko alam
kong sinalag ko ang bag ko kaya di ako natamaan o binigay ko
o sakto pagsaksak niya ang pagkakuha ng bag ko. pero that time
tili pa rin ako. tili na may kasamang iyak o atungal (basta ewan)
so tumayo na ko. sinundan ko pa. para lang tanga ako. as if naman
pagnaabutan ko di ako titirahin. sabi ng tatay ko pagsabi nung kumuha
sakin ng bag na “pre nakuha ko” iniwan na kami.
di na ko lumingon para tignan papa ko kung ok or ano. basta pagkalingon ko umatungal na ako gusto kong talagang habulin kahit yapak pa ako ang kaso ang sakit sa paa.
sabi ng tatay ko “ok lang basta ok tayo”
ako “yung bag ko”
iskandalo kung isakandalo. atungal kung atungal. iyak kung iyak.
nagsipaglabasan ang mga tao samin ang kaso wala na. tapos na ang aksyon
ano ang narealize ko?
ang panget ko talgang umiyak at dugyot ako. imagine humiga or
tumuba ako sa lupa sa putik. kahit san kung mawawalan ka mawawalan ka.
pasalamat kami dahil di kami nadisgrasya nang sobra. bag ko lang.
pasalamat kami dahil 2 kami dahil kung nagkataon tatay ko
lang or ako may mangyayari higit pa.
inabangan talaga kami. nakuha ko dito bukol sa ulo mga pilay sa balakang at balikat, (i realize di masarap pakipagsex sa sahig halos 2 araw ko ininda mga pilay ko sa balikat at balakang. seconds lang ako nahiga sa pero ganun na ang sakit) pigtal na tsinelas, putik sa damit at buhok, nabaling payong.
wala kang mahihingan ng tulong. tanging tulong mo ay sarili
mo at sa itaas.
wala akong masyadong trauma unlike sa family ko lalo na
sa bunso kong kapatid. sana Bro tulungan nyo po sila sa
pagkawala pagkalimot ng mga pangyayari or hindi kaya
lessen na lang.
unti 8 ok pa sim ko kaya text ako na sana ibalik yung bag lang at
mga laman nito wag na ang pera at cp. importante mga mga laman.
ang kaso wala talaga maski ang mga tabi tabi lang baka sun
na tinapon kaso wala talaga. if i know pinagtatawanana ako dahil ako pa ang nagmamakaawa sa kanila.
sa ngayon ano ang pinagdasal ko sana yung trauma mawala na.
sa mga magnanakaw na yun, sana pagnahuli sila makuha nila ang
dapat para sa kanila. sana mamatay sila unti unti. yung namnamin
nila ang kamatayan. (masama ako) o sige yung mild na lang sana
mamaga ang mga bayag nila o kaya makomang yung 2 nilang kamay
o kaya sana magkaketong sila.
try ko kayang itaya sa lotto yung date na nakawan kami baka manalo ako.kahit consolation lang panibagong bag din yun. (na bagong nanakawin wag naman)
kaya magingat lalo na malapit na magpasko bonus at kung anik
anik na kaperahan. wag sana madagdagan o mapabilang sa mga krimen ng kalsada. wag maging kampante kahit lugar ninyo at matagal na kayo lalo na sa mga bago sa lugar na tinitirhan.
laging nakatingin si Bro. sya na bahala sa kanila.
Posted in Articles | 12 Comments »